Pasintabi kina Andres Bonifacio at Francisco Baltazar
Aling pag-ibig pa ang hihihigit kaya
sa pagkagahaman at pagkatimawa
gaya ng pag-ibig sa kaban ng bayan
hahamakin lahat masimot ka lamang?
LRT Railway, paliparan ng NAIA
oberpraysan lahat habang nakatunganga
ang masang magbabayad sa lahat ng utang
NBN-ZTE krona ng mga suwapang
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
naupo sa trono halalan dinaya
bawal ang umangal, titimbuwang bubusalan
dakilang pag-ibig sa kaban ng bayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hello :)
I'm Jhay 3rd year hs. Student po :)
Gusto ko lang po sana humingi ng permission para gamitin 'tong tula na 'to :) Kelangan ko po kasi ng tula 'bout sa pag-ibig :) Lalagyan ko po ng Credit kapag pinasa ko sa teacher ko! Thanks po!!!
God Bless!
-jhay Ü
Post a Comment